itigil na ang kabaliwan!
napakasama ng panahon noong nakaraang linggo. sala sa init, sala sa lamig. dahil dito, nahirapan ang aking katawan sumabay sa papalit-palit na panahon hanggang humantong ito sa pagkakaroon ko ng sakit! hindi na ako nakapasok sa aking trabaho noong biyernes.
sa aking 3 araw na ipinamalagi sa aking kwarto at kama, nabigyan ako ng pagkakataong magnilay-nilay. mahirap nga talaga maging sala sa init at sala sa lamig. hindi mo kasi alam kung saan ka lulugar eh. minsan parang mainit ang pagtrato sayo ngunit minsan naman parang wala ka riyan. ang pagkakaron ko ng sakit ay nagsisilbing babala mula sa aking katawan na hindi na niya kaya ang papalit-palit na panahon. at sa pagkakaroon ko ng sakit, nagising ako sa katotohanang, hindi pwedeng walang kasiguraduhan. kung mainit ka, sa mainit ka lang dapat. kung sa malamig eh di sa malamig pero hindi pwedeng pumagitna.
marahil medyo nauntog na ako at umaayaw na sa kabaliwang ito! ayoko na...
-=0O0=-
napanod ko ang kasal ni clau-dine at ray-mart (baka kasi lumabas sa search engines ang blog ko) at ibang klase siya ha. natuwa naman ako sa vows na ginawa nung lalaki... how sweet! la lang...
gusto ko magbeach! sinong game? hehe =)