addicted

Sunday, April 17, 2005

bakasyon grande (mahaba!)

dalawang linggo na ang nakakalipas ng kami ay mamasyal sa hilagang luzon. gayunpaman, sariwang-sariwa parin sa akin ang mga kaganapan na nangyari. marahil tama nga ang isang kolumnista sa pahayagan ng sabihin niyang "kung ilang araw ang iyong bakasyon, gayun din katagal ang bibilangin bago tuluyang mailabas sa sistema ang bakasong iyon."

nagsimula na ang biyahe para sa akin noong ika-3 ng abril ng matulog na kami ni melbs kina bianca. sa katotohanan hindi na kami natulog dahil 2am ang napag-usapang oras ng pagkikita kaya't nagkwentuhan na lamang kami. nagkita-kita kami sa jollibee ortigas ng 2am, ika-4 ng abril, at nakaalis ng 3am. sa galing ng aming driver na si mang bernie, nakarating kami ng urdaneta ng 6am para kumain ng agahan. ang sunod na tigil ay sa vigan na upang mananghali at magtingin-tingin ng mga bagay na maaaring bilhin. tumigil kami sandali sa laoag upang magpalagay ng gasolina.. nakakatawa dahil ang una naming gasolinahang tinigilan ay naubusan na ng gas. medyo nangamba kami dahil wala ng gasolinahan sa may pagudpud dahil kadulo-duluhan na yon kaya't kinailangan namin makahanap ng gasolinahan. sa kabutihang palad meron kaming nakita. nakarating kami sa pagudpud mga 530pm na! ang haba ng biyahe. wala na masyadong tulog noong biyahe mula laoag hanggang pagudpud... pagdating, naglakad-lakad kami sa palibot upang tignan ang resort.. naglakad-lakad din sa may dalampasigan.. si patch. melbs at ako ay kumanta sa videoke! kumain kami ng hapunan tapos nagtungo na kami sa kwarto ng mga lalaki. laro ng baraha at uminom ng vodka ang aming ginawa. bumalik kami sa videoke upang umawit muli ng may lumapit na lolo kay melbs upang mag-alay ng pinitas na bulaklak! hahah! 3 ang silid namin: ang kwarto ng mga lalaki (ralph, aron, patch, ian, redge), kwarto ng mga babae (aice, joyce, tere, hana, pat), at ang coed (me, melbs, bianx, tim, davey). mag-uumaga na ng kami ay matulog.

sa aming ikalawang araw maaga kaming nagising dahil puro atat na magswimming ang mga tao! hehehe! diretso sa tubig-alat at nagtampisaw ang bumilad ang mga tao. karamihan ay nagnanais umitim habang may ilan na nagpayong! bandang alas-onse dumating na ang tropang nila jake, emir, joe at mixie. sumunod sila at nakilangoy. pagdating ng hapon, namasyal kaming lahat sa may patapat bridge. ang ganda ng tanawin! may binabaan pa kami upang mapalapit sa tanawin! ang ganda ng tubig at mga alon! asul na asul.. nakakaantok pakinggan ang tunog ng alon habang ito ay tumatama sa mga bato sa dalampasigan. matapos noon ay bumalik na kami sa resort... dumiretso kaming coed people sa aming silid upang magpahinga habang ang iba naman ay dumiretso sa beach muli upang lumangoy at mag-abang ng takipsilim. tinawagan si bianca ng kaniyang iniirog na bumaba na upang maabutan ang magandang pagbaba ng araw, kaya't nagtungo na kami sa beach. medyo sinusumpong ako ng kasungitan noon dahil palapit na ang aking buwanang bisita! hahaha! ng lumubog ang araw balik videoke muli at kantahan. napilit namin ang iniirog ni cel na si mixie na umawit! magaling pala kumanta si mixie! noong gabi, tumambay kami sa dalampasigan at nagkwentuhan. lumipat sa kwarto ng mga lalaki upang magkwentuhan ng katatakutan! hahaha! sinabayan pa ito ng inuman, lime gin kung hindi ako nagkakamali... hindi makapagsipilyo ng mag-isa ang mga tao. nag-ccr sila ng bukas ang pinto sa takot! hahahaha! mga alas-tres na kami nakatulog.

sa aming ikatlong araw, gumising muli kami ng maaga at ngayon ay nagtungo sa ibang isla. sumakay kami sa isang boat ride at nagpaiwan sa islang pinagdalhan sa amin. parang temptation island! hahahah! hindi nga lang kami masyadong nakalangoy dahil ang daming dikya! bumalik kami sa aming resort, lumangoy sandali at kumain ng tanghalian. umalis muli kami noong hapon at nagtungo sa lighthouse ng bojeador! kay ganda at kay taas! muli naming inabangan ang takipsilim doon.. pnareserba pala ni tita eppie ang videoke at kubo para sa amin buong gabi!!! hahaha! tumigil lang kami mga alas-onse ng gabi dahil sa kasamaang-palad naubusan na kami ng 5 piso! hehehe! sinabayan din namin ito ng pag-inom ng sanmig lite at ice! tumungo kami pabalik sa kwarto ng mga lalaki upang maglaro pa ng dugtungan.. lumipat kami sa coed room para ituloy ang kwentuhan dahil inaantok na ang iba sa kwarto ng mga lalaki.. mga alas-tres na ata kami natapos.. puro tawanan lang sa mga kwento na aming naimbento!

ang aming huling araw ay nagsimula ng maaga sapagat gusto nila maabutan ang bukang-liwayway. gising na uli sila ng alas-singko. nag-ayos na ng gamit at nag-almusal. umalis kami ng mga alas-nuwebe ata ng umaga upang makapag-tanghalian sa vigan, ilocos sur. pagdating sa vigan, binigyan kami ng ilang oras para mamili ng mga pasalubong at pagkain. ang mura! salamat sa magaling na pagtawad ni aron at nakuha ko ang bag na gusto ko. kumain kami ng empanada at halu-halo! sarap sobra! alas-kwatro na ng makaalis kami ng vigan. tumigil kami sa jollibee urdaneta upang kumain ng hapunan ng alas-nuwebe ng gabi. nakarating kami sa burgundy katipunan ng alas dose y medya habang ang bumaba naman sa jollibee ortigas ay dumating ng ala una..

ang mga taong kasama sa biyaheng ito: (idaan ang mouse sa ibabaw ng larawan)





hanggang ngayon sariwang-sariwa pa sa isip ko ang lahat dahil kung hingi, hindi ko mailalahad ang mga pangyayari... kapag nagkikwentuhan kami, hindi namin maiwasang balikan ang mga pangyayaring naganap. ngayon pa lang, nagpaplano na uli kami ng isang bakasyong grande. hindi alam kung kailan pero siguradong sasama muli ang tropa!

ang mga larawan ng aming paglalakwatsa sa hilagang luzon at matatagpuan sa aking multiply account. :D

Sunday, April 03, 2005

HELP!

Bakit sa Gizoogled Blog ko lumalabas yung aking background pero pag normal hindi?! Err help?
Try niyo din.. Funny! :D

excited na ako

alam kong walang sense ang aking isusulat, gusto ko lamang ibahagi ang hindi ko mapigilang galak at excitement sa nalalapit naming trip...

mamayang gabi ay matutulog na kami ni melbs kay bianx sapagkat maaga ang aming alis bukas, alas dos ng madaling araw, patungo sa pagudpud... kami ay mananatili dun hanggang sa ika-7 ng Abril. beach, videoke, trekking sa may falls, AT mamamasyal kami sa vigan...

sa kasamaang palad, hindi kami umabot ng 20 pero kahit na, ang 16 na sasama ay aking mga mabuting mga kaibigan kaya't kahit konti, siguradong masaya parin yun!!!! hayaan niyo at aking ibabahagi ang mga larawan at mga pangyayari sa blog na ito...