addicted

Thursday, November 22, 2007

may pakiramdam din ako

tao din ako. babae nga ako eh. minsan lang siguro nakakalimutan na may pakiramdam din ako, na hindi ako isang lalaking kabarkada niyo. hindi lahat ng biro ay nakakatuwa. may mga aspeto na sobra na. dapat nga sanay na ko ngayon eh. araw-araw ba naman. ok lang naman lahat yun, natatawa nga ako parati at nakikisakay. pero hindi naman ako makapal. o yun ba ang nasa isip niyong lahat? na makapal ang mukha ko. masakit yun. ang sabihan kang makapal ang mukha mo kaya ikaw ang pinipili nilang gumawa ng isang bagay. mahiyain nga ako eh. hindi ko kaya humingi ng pabor sa tao dahil ayokong nakakaistorbo. laitin niyo na lahat sakin, wag lang ang pagkatao ko. kung kilala niyo talaga ko, mas gugustuhin ko pa na ako ang gumagawa ng pabor para sa inyo kesa ako ang humingi ng pabor mula sa inyo. kaya ang tawagin akong makapal. masakit siya talaga.

pero ganito talaga ang buhay. kelangan matutong makisama at makibagay. malamang bukas kelangan ok na ko. ang nakakainis lang, kelangan kong maging ok kahit hindi kayo humingi ng paumanhin dahil tatawagin naman akong pikon pag nainis ako. kaya uubusin ko na lahat ng luha ngayon para bukas, ok na akong muli. =(

buti nalang at makikita ko ang mga kabarkada ko sa sabado. isang dahilan para manumbalik ang tunay na mga ngiti sa aking mukha.

1 Graffities:

  • At 11:36 AM, Blogger maan said…

    sino yang nanlalait sayo?? magpakita sya saken, babatuhin ko sya ng 3-hole puncher. kapal ng mukha niya ha.

    movie/tv series-marathon na lang tayo girl.. wala pang manlalait sayo. hehe

    hugs!

     

Post a Comment

<< Home