addicted

Sunday, September 16, 2007

animnapu't dalawa

Matagal na akong hindi sumusulat ng tula
Kagagawa ko lng pero puno iyon ng babala
Sa pagkakataong ito, pagbubutihin ko na
Dahil ito ay para sa isang taong mahalaga

Noong ako'y bata pa, kami'y iikot muna
Lulan ng aming kotse'y, aandar sa kalsada
Limang minutong pag-andar lamang bago pumunta sa opisina
Hanggang ngayon pati aming mga kapitbahay ay naalala pa

Lumaki akong hindi naghahanap
Dahil sa kanya, naabot ko aking mga pangarap
Hanggang ngayon ang buhay ko ay puno ng sarap
Ang lahat ng ito ay dahil sa kanyang pagsisikap

Hindi maikakailang ako ang paborito niya
Pag inaaway ako nila kuya, sumbong agad sa kanya
Kahit ako pa ang may kasalanan, lagot na sila
Ngunit mga mali ko'y itinutuwid naman niya

Nakakalungkot lang isipin na para sa isang taong ubod ng buti
Ang kanyang paningin ay halos lubusan ng binawi
Kaliwa niyang mata, wala na talagang nakikita
Ang kanan naman ay konti nalang ang natitira

Hindi niya parin hinayaan na ito'y maging hadlang
Sa sarili niyang paraan ipinakita ang pagiging mabuting magulang
Kahit mahirap, ako'y hinatid-sundo niya
Nang tuluyang pagbawalan, masundo lang ako, nagpamaneho sa iba

Lahat ng mga kaibigan ko siya ay kilala
Yaong malalapit sakin, "Pops" ang tawag sa kanya
Marahil kaya hanggang ngayon ako'y wala pang minamahal
Dahil wala akong mahanap na papantay sa kanyang asal

Siya ang pinakamahalagang lalaki sa buhay ko
Namana ko nga lahat, pati paglakad ko
Wala ng ibang tao pang hihigit sa kanya
Maligayang Kaarawan, aking pinakamamahal na AMA!

2 Graffities:

  • At 3:57 PM, Blogger maan said…

    awww... peper!!!! tama bang maiyak ako sa office while reading this poem? haha!!

    belated happy birthday to daddy!! sana silang dalawa ng mom mo makita ko next sa shang. hihi =)

     
  • At 6:40 PM, Blogger blueG said…

    thanks dear! he doesn't know i wrote a post for him here... hehe! he doesn't even this blog exists eh! haha!

    thanks i'll tell him that! yep isama mo na ko pag nakita mo sila.. hahah! =)

     

Post a Comment

<< Home