maskara
sobrang nakakapagod ang araw na ito, puro problema sa trabaho. ngunit lahat ng ito ay napawi mg makatanggap ako ng mensahe sa aking cellphone na naglalaman ng, "...swerte bestfrend mo sau..." hindi ba't nakakataba ng puso ang masabihan na isa kang mabuting kaibigan?
mahigit isang taon ko na ring kilala ang nagpadala sa akin ng mensahe. araw-araw kaming nagkikwentuhan, nag-aasaran, magkasama, magkatabi. masasabi kong madami na akong nalalaman tungkol sa kanya pero ngayong gabi ko lang talaga siya totoong nakilala. ang dami naming napag-usapan at napagkwentuhan. nakakatuwang isipin na hindi lamang puro biruan, asaran at lokohan ang aming pagkakaibigan. nasa punto na kami kung san malalalim na usapan, lihim at problema ang kaya naming ibahagi sa isa't-isa.
kung ako man ang tatanungin, madali makipag-usap kahit kanino pero nag-iiba ang lebel ng inyong pagkakaibigan sa lalim ng inyong usapan. kung puro lokohan, asaran at tawanan lang, hindi mo lubusang naibabahagi ang iyong sarili. hindi mo lubusang nakikilala ang iyong mga nakakahalubilo. lahat naman ng tao maaring itago ang kanilang sarili sa maskara ng isang ngiti hindi ba? natutuwa ako at nalampasan na namin ang lebel ng asaran o mabababaw na usapan at chismisan, andun na kami sa kung saan ang aming totoong sarili na ang aming ipinapakita.
gusto ko ng ganito. yung alam kong nakahanap ako ng isang tunay na kaibigan na maasahan ko kasi alam kong tinuturing din niya ako bilang isa. eh ano kung nasa gitna kami ng maulang oval? kung puro gamu-gamo at lamok sa paligid? cowboy naman ako eh. kahit saan pwedeng dalhin. kaladkarin kumbaga. ang mahalaga naman sakin ay kung sino ang kasama ko at ang aming kwentuhan.
natutuwa lang ako pag alam kong "napag-open up" ko na ang tao sa akin. makakaasa naman na lahat ng lihim na nais ipatago sakin ay hinding-hindi na lalabas eh. sabi ko nga, basta kelangan ako, ng kasama, o ng karamay, sabihan lang agad ako. pwede rin akong tawagan sa aking private landline! hahaha! kung alam mo ito, ibig sabihin, komportable akong ibigay sayo ang numero ko.. =)
madami akong kaibigan as in.. pero iilan lang talaga dun ang pinagkakatiwalaan ko at pinagpakitaan ko na ng totoong ako.. sana madagdagan pa iyon... sana masa madami pang tambay sessions tulad ng kanina, tipong one-on-one at heart-to-heart =)

0 Graffities:
Post a Comment
<< Home