paglisan
bakit ba ang tagal pa ng june 30? gustong-gusto ko ng umalis. nakakuha na ako ang visa sa Canada bilang turista. ikakasal ang aking pinsan at ako ay magiging abay. 2 linggo ako sa canada. 9 na araw sa toronto at mississauga kapiling ang aking mga kamag-anak habang ang nalalabing araw ay gagamitin namin para mamasyal sa vancouver. tour ba. mag-isa akong uuwi dahil mananatili pa ang aking mga magulang sa vancouver para sa isang tour all over. pagkatapos nun ay lilipad sila at magbabakasyon pa sa Amerika! naiinggit ako.
pero ok lang yun. kelangan ko lang talaga lumayo. ng panahon mag-isip tungkol sa mga bagay-bagay. masyado ng napupuno ang utak ko ng kung anu-anong mga isipin. hindi ko naman araw-araw nakakasama ang matalik kong kaibigan kaya't hindi ko mailabas ang lahat ng aking nararamdaman. pahapyaw kung aking ilabas kaya't nahihirapan ako paminsan.
isa sa mga taong nakakakilala sa aking mabuti ang uuwi mula sa amerika upang magbakasyon pagkatapos ng isang taong paninirahan doon. naiinggit ako sa kanya. gusto ko ng umalis at tumira sa malayong lugar. kelangan ko lang lumayo. period.
haay. kelangan ko ng change of scenery. yung tahimik. yung walang maingay. i really can't wait. i have to go. i have to. at sana lang pag malayo na ako, maging malinaw na lahat. matutuhan ang dapat matutuhan. kalimutan ang mga dapat kalimutan! waaah! gusto ko na umalis!!!
0 Graffities:
Post a Comment
<< Home