addicted

Wednesday, May 18, 2005

beach bum

kararating ko lang mula sa boracay kagabi. masaya doon. umitim ako. tumaba din dahil kain ng kain. namulubi sa mahal ng mga gastusin! dadalawa lang kami ng aking kabarkada sapagkat nag-backout ang iba namin mga kaibigan. ang isa ay hindi nakapagliban sa opisina (kapag may trabaho na kasi ang hirap! haha! kaya ako wala pa!), ang isa naman ay hindi pinayagan ng kanyang mga magulang, ang isa ay ayaw sumama. kaysa iurong pa namin ni ria ang bakasyong ito, itinuloy na namin kahit kami lamang. masaya naman eh nagawan namin ng paraan.

isa lang masasabi ko: NOGNOG! hindi na nga raw ako makita ng aking magulang sa dilim. hehe. nakaktawa. pero may nakakatakot na karanasan kami. diba biglang umulan ng malakas kagabi? ang aming maliit na seair airplane ay pumasok sa gitna ng thunderstorm na iyon. buti na lang kamo ay naka-seatbelt ako dahil tumalsik kaming lahat paitaas. grabeng sakit sa tiyan. halos masuka na ako. pinapaypayan na nga ako ni ria sapagkat hindi ako makahinga sa takot. gayunpaman, may nakakatawang nangyari. ang lalaki sa harap ko hindi nakasuot ng seatbelt kaya nauntog siya sa overhead compartment. hehe! lahat ng mga pasahero ay dinaan na lamang sa tawa at pangloloko ang nakakatakot na karanasan na iyon.

sa kotse nga pauwi ibinabalita ang bumagsak na interisland cargo plane dahil sa biglang pagbulusok ng ulan. laking pasasalamat namin at nakaligtas kami kundi baka kami na ang ibinabalita doon. haay.

kung gusto niyo makita ang mga larawan, ito ay nasa aking multiply account. yun nga lang dapat contact kita para makita mo iyon.. hehe!

paalam na. kinukulit ako ni mommy na magpack na para sa US trip namin next week... err.. next week pa nga eh... owelz baka pagalitan ako...

0 Graffities:

Post a Comment

<< Home