addicted

Monday, March 14, 2005

sa wakas

grabe. sa aking mga nakalipas na entries, mapapansing parang wala silang saysay.. kungdi email, sarbey.. pano ba naman nakakatamad magblog... tama ang karamihan ng sabihin nila mas lalong nakakatamad magblog kapag may oras ka na... datirati kasi nagiging dahilan ang blog sa pagprocrastinate eh.. hehe!

marahil tama rin si cha go ng sabihin niya na malungkot at may problema lamang ang nagbablog... ngunit hindi naman palagi... nagkakataon lamang na puro reklamo at sama ng loob ang inilalabas sa blog. pano kasi wala ng ibang malabasan ng sama ng loob kaya't dito na lamang..

simula ng magbakasyon, puro paglabas at pamimili na lamang ang aking inaatupag... ng nakaraang linggo naman, sinimulan ko na ang pagpunta sa gym para naman masabi kong karapat-dapat akong pumunta sa beach, diba?

masyadong magiging mahaba ito kung ikikwento ko lahat ng aking pinaggagagawa, diba? marahil kung gawin ko man yun, mawawalan ka rin ng gana basahin ng buo, kaya naisip ko na ipakita na lamang ang mga larawan ng mga ito.... Itapat na lamang ang mouse sa larawan upang mabasa ang deskripsyon

Pagbabalik ni Philip (March 2, 2005)




Para sa iba pang larawan : pindotin

Paalam kay Char (March 9, 2005)




Para sa iba pang larawan: pindotin uli

Pasasalamat ni Emir (March 10, 2005)

Sa kasamaang palad, hindi ako nakapagdala ng camera... Nakakhiyang magdala ng camera kapag hindi ko naman event iyon hindi ba? Ang tanging larawan lamang na nakuha ko ay sa amin ni Tina Vaswani, gamit ang aking cellphone ngunit hindi ko pa na-uupload eh. Masaya ang handaan. May napakagandang videoke machine na puro latest and awitin. Gusto ko na sanang agawin ang mic at umawit ngunit nasapawan ng kahiyaan ang aking kagustuhan kaya't nag-hum at nakisabay na lamang ako sa umaawit. Masarap din ang pagkain, may lechon! At pinakbet! At tahong! O diba all-out?! At ang pinakadabest sa lahat, HINDI MAWAWALA ang BRIDGE! hehehe! Sinusubukan nila (joy, cel at deng) akong turuan ngunit alam kong mahihirapan naman akong intindihin...

Special Mention

2 Graffities:

  • At 9:56 PM, Blogger Cel said…

    shempre special mention tlga..hahah!

     
  • At 7:18 AM, Blogger blueG said…

    siyempre naman... special ka eh... :D

     

Post a Comment

<< Home